Tiwala si Department of Tourism (DOT) Secretary Bernadette Romulo-Puyat na makakarekober na ngayong taon, ang sektor ng turismo ng bansa na pinadapa ng Covid-19 pandemic.
Ayon kay Romulo-Puyat, malaking tulong ang pagbukas ng pintuan ng Pilipinas para sa mga turista dahil ito na lamang ang kanilang hinihintay.
Habang hudyat din aniya ang nangyaring pagbubukas na babalik na sa normal ang bansa.
Kahapon, aabot sa 10,676 ang dumating na dayuhan sa bansa na nagmula sa US, Canada, Australia, UK, South Korea, Germany at Japan. —sa panulat ni Abby Malanday