Apektado na rin ng haze ang sektor ng turismo sa Singapore.
Bagaman binalot ng makapal na usok ang Singapore, hindi naman nagpa-awat ang mga turista sa pagkuha ng mga “selfie” sa ilang tanyag na destinasyon gaya sa Marina Sands and bay.
Ayon sa Singaporean Government, tumagal ng 3 oras ang makapal na haze kahapon kaya’t ilang residente at turista ang inatake ng hika.
Sa kabila nito, nakikipag-tulungan na ang Singapore sa indonesia kung saan nagmula ang haze maging sa mga bansang apektado na rin ng makapal na usok tulad ng Malaysia.
By: Drew Nacino