Magpa-Pasko sa kulungan ang isang security guard matapos mahulihan ng 15 gramo ng shabu na tinatayang aabot sa 54K sa Camarines Sur.
Kinilala ng Pili Police Station, ang suspek na si Alvin Albao, 43 anyos na residente sa bayan ng pili.
Nakuha kay Albao ang anim na pakete ng shabu at 500 pesos marked money.
Haharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang suspek.—sa panulat ni Joana Luna