Naging simple ang selebrasyon ng ika-34 na anibersaryo ng EDSA People Power Revolution.
Isang simpleng flag raising ceremony lamang ang isinagawa sa EDSA People Power monument na dinaluhan ng iba’t ibang sektor at mga tauhan ng ilang ahensya ng pamahalaan.
PANOORIN: Mga kawani ng gobyerno, nakiisa sa pagdiriwang ng ika-34 na anibersaryo ng EDSA People Power #EDSA34 | via @jaymarkdagala pic.twitter.com/hb9a6BEhPe
— DWIZ Newscenter (@dwiz882) February 25, 2020
Naging tema ng pagdiriwang ng EDSA 2020 ang “Kapayapaan ng Bayan, Simbolo ng Kalayaang Ipinaglaban”.
Samantala, inasahan na ng National Historical Commission ang maliit na bilang ng mga dumalo sa selebrasyon dahil sa 2019 coronavirus disease (COVID-19) scare.