May halong lungkot ang selebrasyon ng EID’L Fitr ng mga Muslim Community sa Mindanao dahil sa sinapit ng kanilang mga kapwa kapatid na Muslim sa Marawi City.
Sinabi sa DWIZ ni Commissioner Benny Disimban ng Bangsamoro Transition Commission na hindi lubos ang kanilang selebrasyon dahil marami sa kanilang mga kasamahan ang patuloy na naiipit sa gulo sa Marawi City.
Ayon kay Disimban , mahigit 200,000 mamamayan ng Marawi ang naperwisyo dahil sa ginawa ng Maute terror group kayat galit na galit sila sa panggugulo ng mga local terrorists.
By: Aileen Taliping
Selebrasyon ng EID’L Fitr may halong kalungkutan sa Mindanao was last modified: June 25th, 2017 by DWIZ 882