Sasabayan ng kilos protesta ang selebrasyon ng Independence day bukas, June 12.
Nakatakdang maglunsad ng kilos protesta sa bantayog ni Andres Bonifacio sa tabi ng Manila City hall ang mahigit isang daang (100) mga religious leaders, mga aktibista, mga dati at kasalukuyang mambabatas para hilinging alisin na ang martial law sa Mindanao.
Hihilingin din ng grupo na itigil na ng Armed Forces of the Phillippines ang aerial bombing sa Marawi City .
Kabilang sa mga maglulunsad ng rally bukas, araw ng Lunes ay sina dating Senador Rene Saguisag, Kit Tatad, ang Makabayan Bloc sa Kamara, at iba’t ibang militanteng grupo.
By Aileen Taliping
Selebrasyon ng Independence day bukas sasabayan ng kilos protesta was last modified: June 11th, 2017 by DWIZ 882