Tuloy ang selebrasyon ng panagbenga festival sa kabila ng pagdami ng kaso ng COVID-19 sa bansa.
Ayon kay Baguio City Mayor Benjamin Magalong, idadaos ng Flower Festival Foundation ang kapistahan ngunit hindi nila ipatutupad ang crowd-drawing event tulad ng street and float parade na dinarayo ng karamihan bilang pag-iingat sa pandemya.
Samantala, nakasalalay pa rin aniya ito sa sitwasyon ng COVID sa naturang siyudad kung ikakasa sa Pebrero o iuurong sa Marso. —sa panulat ni Airiam Sancho