Ipinagpaliban at inilipat na lamang sa susunod na buwan ang ilang mga aktibidad para sa taunang pagdiriwang ng Panagbenga Festival.
Ayon sa Baguio Flower Festival Foundation, kanilang napagpasiyahan ito matapos ang isinagawang pulong noong Biyernes.
Ito anila ay bilang bahagi na rin ng mga hakbang para maiwasan ang pagkalat ng 2019 novel coronavirus acute respiratory disease (nCoV-ARD).
Dahil dito, gaganapin na lamang sa Marso 21 ang opening parade ng Panagbenga Festival na nakatakda sana noong Pebrero 1 pero kinansela matapos kumpirmahin ng DOH ang unang naitalang kumpirmadong kaso ng nCoV sa bansa.
Inilipat din sa Marso 28 ang street dance parade habang gaganapin na lamang sa Marso 29 ang grand float parade.
Samantala, kinansela na rin ang Cordillera Administrative Regional Athletic Association ang atlethic meet at itinakda na sa Marso 24.