Naging payapa at maayos ang naging selebrasyon ng pasko sa buong bansa.
Ito ang naging pagtaya ng Philippine National Police (PNP) kaugnay ng idinaos na christmas eve at sa mismong araw ng pasko.
Ayon kay PNP Chief General Dionardo Carlos, naging maayos ang peace and order sa pagsalubong ng pasko sa iba’t-ibang lugar sa bansa.
Dagdag ni Carlos, sa taong ito natutunan ng PNP na harapin ang hamon sa pagbibigay seguridad sa mga matataong lugar at maging sa mga pangunahing instalasyon ng gobyerno sa iba’t-ibang bahagi ng bansa.
Aniya, ito’y dahil medyo nagluwag sa health at safety protocols kumpara noong nakaraang taon kung saan isinailalim sa lockdown ang mayorya ng lugar sa Pilipinas upang mapigilan ang pagkalat ng nakakahawang sakit.