Virtual ang pagdiriwang ngayon ng Sinulog festival sa Cebu.
Ito’y kahit pa inirekomenda umano ng regional Inter-Agency Task Force against COVID-19 na kanselahin ang nasabing aktibidad kahit una pang inilatag ang pagdiriwang nito online.
Iginiit ni Cebu City Vice Mayor Mike Rama ang kahalagahan ng pagdiriwang ng Sinulog festival ngayong taon.
Ito kasi aniya ang ika-500 taon ng pamamayagpag ng Kristianismo sa Pilipinas.
Ang sinulog rin umano ang paraan ng mga Cebuano ng pagpapakita ng debosyon kay Señor Sto. Niño.
Kasabay nito tiniyak ni Rama ang mahigpit na pagpapatupad ng health protocols sa mga kalahok sa na magpapakita ng kanilang performance sa loob ng tinatawag nilang bubble sinigurado rin ng opisyal na hindi magkakaroon ng presenya ng mga manonood para personal na masaksihan ang aktibidad.
Kahapon, January 4 nagsimula ang Sinulog festival at magtatapos ito hanggang January 6.