Posibleng selective barangay lockdowns na lamang ang paiiralin sa Metro Manila pagkatapos ng modified enhanced community quarantine (ECQ) sa ika-30 ng Mayo.
Gayunman, sa ilalim pa rin ito ng general community quarantine (GCQ) na ipatutupad sa Metro Manila.
Ayon kay Department of the Interior and Local Government Secretary Eduardo Año, sesentro na lamang ang lockdowns sa mga lugar na labis na apektado ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Maaari rin anyang hindi ang buong barangay ang ilagay sa lockdown kun’di ang ilang bahagi lamang nito tulad ng mga kalye, subdivisions o sitio.