Iginiit ng economic adviser ng Pangulong Rodrigo Duterte na magpatupad na lamang ng selective quarantine pagkatapos ng April 30.
Ayon kay Presidential adviser for Entrepreneurship Joey Concepcion, dapat tukuyin na ng pamahalaan ang mga lugar o barangay na mayroong mataas na bilang ng impeksyon at duon magpatupad ng lockdown.
Binigyang diin ni Concepcion na kailangang ibalanse ng gobyerno ang kalusugan at ang ekonomiya na kailangan nang maibangon.
Hiniling anya nya sa gobyerno na simulan agad ang pagpapatuloy agad ang infrastructure projects ng pamahalaan pagkatapos ng ECQ dahil nakakapagbigay ito ng trabaho.
Maaari rin anyang unti-unti nang magbukas ang mga malls subalit dapat maging mahigpit sa pagsusuot ng masks, social distancing at pagkuha ng temperatura.
Puwede na rin anyang magbukas ang mga restaurants subalit kelangang manatili munang sarado ang mga bars at entertainment establishments.
Iminungkahi rin ni Concepcion ang partial operations ng public transportation.
Duda si Concepcion kung kakayanin pa ng maraming mga negosyo sa bansa sakaling humaba pa ang enhanced community quarantine.