Kinabog ng singer na si Selena Gomez ang trono ng kanyang BFF na si Taylor Swift bilang most followed celebrity sa Instagram.
Pumalo sa 103 million ang mga follower ni Selena, higit na mas marami pa sa kabuuang populasyon ng France na 66 million lamang.
Bihira lang umanong mag-post si Selena, sa katunayan umabot lamang sa 1,131 ang kanyang post na larawan na ¼ lamang ng kabuuang bilang ng larawan na ipinost ng lipstick mogul na si Kylie Jenner na ika-pitong most followed celeb sa Instagram.
Nasa ikalawang pwesto si Taylor Swift, ikatlo si Ariana Grande, nasa ika-apat na puwesto si Beyonce at bumagsak naman sa ika-limang pwesto ang reality star na si Kim Kardashian.
By Rianne Briones