“I’ll be back Manila.”
Ganito tinapos ng American singer-actress Selena Gomez ang kanyang sold out Manila leg concert nitong weekend sa Mall of Asia Arena.
Ayon sa report, umabot sa 10,000 crowd estimate ang naghintay, nakikanta at nakisayaw sa performance ni Gomez.
Hindi rin pinalagpas ng mga celebrity ang concert.
Kabilang sa mga nanood ay sina Liza Soberano na nakapagpa-picture at nayakap pa backstage ang idolo, Vice Ganda, Lovi Poe, Sarah Lahbati, Maxene Magalona at pari na rin ang presidential daughter na si Kitty.
Binuksan ni Selena ang show sa pamamagitan ng kanyang smash hit na ‘Same Old Love’ gayundin ang mga kantang Hands to Myself, Love You Like a Love Song at ang latest hit na Kill ‘Em with Kindness.
Matapos ang Manila, sunod na bibisitahin ni Selena ang Tokyo, Japan na parte pa rin ng kanyang ‘The Revival’ world tour.
Photos: Screengrab from selena gomez/Instagram