Wala pang aprubadong Self-administered COVID-19 test kits sa Pilipinas.
Sinabi ni Testing Czar at Presidential Adviser for COVID-19 Response Secretary Vince Dizon, sa muling pagtaas ng kaso ng COVID-19 at pagpasok ng Omicron sa bansa tiniyak ng pamahalaan na may sapat na suplay ang bansa para sa mga laboratoryo.
Ngunit para kay Dizon, mas mabuti nang ikonsidera ng pamahalaan ang paggamit ng Self-administered COVID-19 test kits tulad ng ginagawa sa ibang bansa.
Matatandaang sinabi ng Food and Drug Administration (FDA) na walang tatanggap sa resulta ng mga self-administered test kits kahit na nabibili na ito online.
Ipinabatid pa ng FDA na tanging ang mga health professionals lamang ang dapat na magsagawa ng pagsusuri at magpaliwanag ng resulta ng mga COVID-19 test kits.