Inisyuhan ng hold departure order ang aminadong davao death squad o DDS member na si Edgar Matobato dahil sa kasong kidnapping.
Kasunod ito ng warrant of arrest na inilabas laban kay Matobato na una nang kinuwestyon ng kanyang kampo dahil mayroon pa anilang nakabinbing motion for reinvestigation sa nasabing kaso niya.
Ayon sa abogado ni Matobato na si Attorney Jude Sabio, karapatan ni Matobato na sumailalim sa preliminary investigation.
Dagdag pa ni Sabio, nakatutok sila ngayon sa pagsampa ng kaso laban kay President Rodrigo Duterte sa International Criminal Court para sa crimes against humanity.
By Avee Devierte