Winelcome ng DWIZ 882 ang grupo ni Atty Diego Santiago, Assistant City Administrator ng Pasig City sa kanilang pagdalaw sa istasyon.
Ito’y para i-promote sa pamamagitan ng programang Beyond Buhay Metro ang Ortigas Market kung saan ang ALC Media Group ang official media partner.
Isinulong ang Ortigas Market mula sa ideyang matulungang mai-promote ang self made products ng mga miyembro ng Greenhills Christian Fellowship na kalauna’y lumaki na rin at hindi na lamang sa iisang lugar isinasagawa.
Mabibili sa Ortigas Market ang mga pinaka sariwang produkto tulad ng karne at iba pang masasarap at masusustansyang pagkain kasama na rin ang live entertainment.
Tiniyak ng organizers ng Ortigas Market ang commitment nitong suportahan ang lahat ng local products kaya magsisilbi itong tulay ng local businesses at mapag-isa ang mas marami pang mamimili.
Maaari ring mag relax ang mga vendors o may-ari ng stalls sa Ortigas Market dahil sila ay nasa mabuting mga kamay lalo pa’t kailangang masiguro ang kaligtasan, tamang promotion at pinakamababang upa sa pwesto.
Bukod kay Atty. Santiago bumisita rin sa DWIZ sina Ms. Jayne Yang ng Office of the City Administrator, Ms. Marissa Dames – organizer ng Ortigas Market at Richard Bayles-Project Manager, Direct to Consumer Promos Inc. (DTC)
(from left: Mr Marvin Estigoy -VP for Sales and Marketing, Aliw Broadcasting Corporation/Insular Broadcasting Corporation/Pilipino Mirror, Mr Braggy Braganza – Station Manager, Home Radio 979, Mr. Cholo Baviera – EVP GM Aliw Broadcasting Corporation/Insular Broadcasting Corporation, Atty Diego Santiago – Assistant City Administrator, Pasig City, Ms. Aida Gonzales – Host, Beyond Buhay Metro, Ms. Marissa Dames – Organizer, Ortigas Market, Ms. Jayne Yang, Office of the City Administration & Mr. Tito Encarnacion – Sales Manager, DWIZ, Home Radio)