Inihayag ng NBI o National Bureau of Investigation na nagtatago sa Eastern Visayas si self-proclaimed Davao Death Squad hitman Edgar Matobato.
Ayon sa nbi Region 11, nagpadala na ang NBI Central Office ng ilang agents na maghahanap kay Matobato matapos silang makatanggap ng impormasyon na doon ito nagtatago.
Hindi naman binanggit ng NBI kung saan sa Eastern Visayas nagtatago si Matobato na sinasabing may kamag-anak sa lugar.
Aminado naman ang NBI na mahihirapan silang hanapin si Matobato dahil maraming NPA sa lugar.
By: Meann Tanbio