Bumaba ang self-rated poverty sa unang quarter ng taon, katumbas ito ng 42 % o 11.1 million na pamilya na itinuturing mahirap ang kanilang sarili.
Ayon ito sa “Tugon ng masa survey” na isinagawa ng octa research, kumakatawan ito sa bahagyang pagbaba mula sa tinatayang 11.9 million na pamilya o 45 % sa fourth quarter TNM survey na isinagawa noong Disyembre 2023.
Ang 3 % o 800,000 pamilya na pagbaba ay kumakatawan rin sa patuloy na pababa ng trend sa self-rated poverty na naobserbahan mula noong Hulyo 2023, kung saan ang self-rated poverty ay nasa 50 %.
Ipinapakita rin ng survey na bumababa ang self-rated poverty sa isang katamtamang rate para sa huling limang quarters simula Hulyo 2023.
Bumaba ang self-rated poverty sa ncr ng 11 % mula sa 40 %;habang sa Luzon, nabawasan ito ng 18 % mula 46 %; sa Visayas naman, bumaba ito ng 10% mula 57 % .
Nagkaroon din ng pagbaba sa self-rated hunger sa 11% o tinatayang 2.9 milyong pamilya ang nagugutom. Ginawa ang survey mula noong March 11 hanggang March 24 ngayong taon sa pamamagitan ng face-to-face interviews kung saan lumahok ang mahigit 1000 lalaki at babae na edad 18. – sa panunulat ni Raiza Dadia