Bumulusok sa record low noong unang quarter ng taon ang bilang ng mga pamilyang Filipino na ikinukunsidera ang kanilang sarili na mahirap.
Sa survey ng Social Weather Stations Noong March 23 hanggang 27, lumagpak sa 42 percent o 9.8 Million ang bilang ng pamilyang naniniwalang sila’y mahirap kumpara sa 44 Percent o 10 Million noong Disyembre.
Isa sa mga sinasabing dahilan nito ay ang pagbaba ng bilang ng mga mahirap sa Mindanao subalit bahagyang tumaas sa Metro Manila at Visayas habang walang pagbabago sa balance Luzon.
Setyembre taong 2016 pa huling pumalo sa 42 percent ang self-rated poverty level.