Tatlong self-administered COVID-19 test kits na ang nasertipikahan ng Food and Drug Administration.
Ito’y matapos bigyan ng sertipikasyon ng FDA ang nasal swab test kit ng MOHS Analytics Inc.
Batay sa performance evaluation ng Research Institute for Tropical Medicine (RITM), mayroon itong 96.43% sensitivity upang ma-detect ang COVID-19.
Una nang inaprubahan ng FDA ang self-test kits ng Abbott Panbio at Labnovation Technologies.
Sa updated circular ng Department of Health (DOH), bawat antigen self-test kit ay dapat na ibenta nang hindi lalagpas sa P350.