Ipagbabawal na sa India ang pagse-selfie sa mga major Hindu festival.
Ito ay dahil sa pangamba ng mga otoridad na magdulot ang pagses-elfie ng stampede.
Ang selfie ban ay ipinatupad sa Kumbh Mela kung saan ang pilgrimage dito ay dinadayo ng mahigit 3 milyong deboto.
Ayon sa mga otoridad, partikular na ipagbabawal ang selfies sa mga araw kung saan ang mga tao ay lumulusong at naliligo sa sagradong Godavari river.
Batay sa pag-aaral, lumalabas na dahil sa matagal na pagse-selfie ng ilang deboto sa India ay bumabagal ang usad ng mga tao na nagdudulot ng tulakan at panic.
By Ralph Obina