Obligadong mag-upload ng kanilang selfie ang mga magrerehistro ng kanilang sim card sa ilalim ng Sim Registration Law.
Ito ang ipinaalala ni DICT Undersecretary Anna Mae Lamentillo at ang mga telecommunications company kasabay ng pagsisimula bukas ng registration ng mga sim card.
Ayon kay Usec. Lamentillo bahagi ito ng verification process sa ID na ipakikita ng subscriber.
Kung wala sila aniyang selfie maaaring manloko lang o mandaya sa ID na gagamitin .
Sinabi naman ng Globe, Dito Telecommunity at Smart na agad magagamit ang sim card sa oras na wala namang maging problema sa registration process.
Babala ng DICT at telco ‘wag magsinungaling dahil may katapat na parusa alinsunod sa batas ang paglalagay ng maling impormasyon.