Selfie o ang pagkuha ng litrato sa mga balota dahil walang resibo ang mga ito ang isinusulong ng Selfie Revolution Foundation para proteksyunan ang boto ng bawat isang Pilipino.
Ayon kay Ric Fulgencio, Chairman ng Selfie Revolution Foundation, ito ang solusyon para bigyang proteksyon ang boto ng bawat isang Pilipino sa darating na eleksyon sa May 2016.
Aniya, walang batas sa ngayon na nagbabawal sa isang botante na kumuha ng litrato sa kanyang balota gamit ang kanyang cellphone.
Ang litratong kuha ng isang botante sa kanyang balota ang magsisilbing katibayan o resibo ng botante kung sino ang kanyang ibinoto.
“Dahil wala pong resibo ang ating mga balota dahil ito po ay atin, may corresponding serial number po ito, as of now there is no law in the Philippines prohibiting a voter from taking pictures of his or her own ballot.” Pahayag ni Fulgencio.
By Mariboy Ysibido | Balitang Todong Lakas