Sarado ang mga sementeryo at kolumbaryo sa Davao City simula ngayong araw.
Ito’y matapos ipag-utos ng lokal na pamahalaan na pansamantalang isasara ang mga sementeryo hanggang a-site ng Nobyembre.
Gayunman, puwede naman sa nasabing petsa ang scheduled burials at interments gayundin ang pagbisita para gunitain ang death anniversary, 40th day at birthday ng yumaong kaanak.
Pero mga kaanak lamang ang papayagang makapasok sa mga sementeryo at columbaria.