Pinaghahandaan na ng Iloilo City ang paglalagakan ng mga bangkay ng namatay dahil sa COVID-19 sa kanilang lugar.
Pinag-usapan ng DOH, OCD at CDRRMO ang solusyon sa kung paano ang tamang handaling sa mga mamamatay ng dahil sa COVID-19.
Kasunod ito ng paghinto ng isang crematorium sa Iloilo City at Panay island sa pagtanggap ng bangkay na namatay dahil sa nasabing sakit.
Ani may-ari ng nasabing establishimyento, hindi na nila kakayanin sa dami ng dumarating na bangkay mula sa iba’t ibang probinsya.
Ayon sa Iloilo City LGU hahanap ang lungsod ng 40 feet freezer van na kayang umabot sa 20 degrees para dito pamsamantalang ilagak ang bangkay ng mga namamatay ng dahil sa COVID-19.
Ito ay habang hinihintay ang bagong makina ng isang punerarya na kayang mag-cremate ng 60 hanggang 80 bangkay kada araw.—sa panulat ni Rex Espiritu