Ipinatupad na ang ”Semi-lockdown” sa Kamara ngayong araw bilang paghahanda sa unang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong “Bongbong” Marcos Jr.
Sinabi ni House secretary General Mark Llandro Mendoza na simula ngayong araw ay lilimitahan na ang pagpasok sa Batasang Pambansa sa Quezon City.
Pagdating naman ng Huwebes o Biyernes ay posibleng ipatupad na ang total lockdown sa buong Batasan Pambansa Complex.
Una na ring sinabi ni Mendoza na handang-handa na ang Kamara para sa unang SONA ni Pangulong Marcos sa Hulyo a-25.