Binigyan na ng go signal ng DOE o Department of Energy ang Semirara Mining and Power Corporation na muling mag-operate.
Kasunod na rin ito ng dalawang buwang suspensyon ng nasabing kumpanya matapos ang landslide nitong nakalipas na July 17 sa Panian Mine nito na ikinasawi ng 9 na minero.
Ayon sa kumpanya, inihayag ni Energy OIC Secretary Zenaida Monsada na nakasunod sa mga kondisyon ang Semirara dahilan kaya’t naayos ang level of safety sa mining operations nito.
By Judith Larino