Makabubuting paigtingin ng Commission on Elections at Philippine Information Agency ang pagpapakalat ng impormasyon para makilatis ng husto ang mga kakandidato sa Barangay at SK Elections sa mayo.
Iyan ang mungkahi ni Senador Sonny Angara upang maiwasang makalusot sa halalan ang lahat ng mga kandidato na gumagamit o sangkot sa kalakalan ng iligal na droga.
Kasunod nito, iminungkahi rin ni Angara sa Department of Interior and Local Government na magsagawa ng random drug testing sa lahat ng mga kasalukuyang opisyales ng barangay na may ambisyong tumakbo sa susunod na halalan.
Magugunitang ilang beses naudlot ang halalang pambarangay at Sangguniang Kabataan dahil sa naging pagbubunyag ni Pangulong Rodrigo Duterte na kontrolado ng mga sindikato ng droga ang mga barangay sa buong bansa.