Panahon na umano para pag-aralan ng Food and Drug Administration o FDA ng bansa kung ano ang pwedeng gamiting bakuna sa mga batang nasa edad 18 pababa.
Ayon kay Sen. Sonny Angara, dapat tingnan ang ginawa sa Estados Unidos at iba pang bansa na pinag-aralan na ang pagbabakuna sa mga menor de edad.
Ito aniya ay para maging protektado na kontra COVID-19 ang malaking populasyon kaya’t mahalagang mabakunahan na ang mga mag-aaral.
Ani Anggara, hindi tayo makakabalik sa normal at hindi makakamit ang herd immunity kung hindi mababakunahan ang mga kabataan.
Nabatid na nasa 28 milyon ang mga estudyante sa basic education habang nasa 3.4 milyon ang nasa tertiary.-ulat mula kay Cely Ortega-Bueno (Patrol 19)