Tila umamin na ang administrasyon na totoong ang pulisya ang siyang may pakana ng mga nangyayaring patayan sa ilalim ng giyera kontra droga ng pamahalaan.
Ito’y makaraang tanggalan ni Pangulong Rodrigo Duterte ng kamay dito ang pambansang pulisya at ibalik ang solong pamamahala at pagkilos hinggil sa PDEA o Philippine Drug Enforcement Agency.
Ayon kay Senador Bam Aquino, kaya naman kung tutuusin ng pamahalaan na masawata ang problema sa iligal na droga na hindi na humahantong pa sa karahasan
May mga paraan naman na hindi humahantong sa karahasan pero nakakalaban po sa droga kagaya ng community augmentation, pagkakaroon ng mas maayos na mas maayos na kapitbahayan pero our strategies our shown throughout the world na may mga paraan na matatapos po natin yung droga o mami-minimize po natin to na hindi naman po gamit ay violence o karahasan
Binigyang diin pa ng senador na malinaw sa mga nakalipas na pagdinig ng senado na ang mga pulis nga ang siyang nasa likod ng kaliwa’t kanang patayan sa ilalim ng oplan double barrel
I think mahalaga po yun because yung amin naman pong pagpuna at yung aming pag hearing ng reporma doon sa gyera kontra droga, hindi naman ho naitigil yung laban sa droga pero gawin po ito sa mas maayos at paraan na hindi po humahantong sa libo-libong mga namamatay at palagay ko rin po, mahirap naring itanggi na walang pang aabusong nangyayari.
(SAPOL INTERVIEW)