Nakukulangan pa rin si Senador Bam Aquino sa ginagawang paglilinis ng PNP o Philippine National Police sa kanilang hanay.
Ito’y makaraang lumabas sa budget deliberation para sa PNP na nasa dalawandaan (200) at animnapung (60) mga tiwaling pulis ang nasibak na sa serbisyo gayung batay sa tala ay umaabot ito ng halos siyam na libo (9,000).
Sobrang kaunti aniya ang nasabing bilang para ganap na mapatupad ang mga repormang dapat sana’y lilinis na sa imahe ng pulisya.
Yes.. 2 to 5 percent hindi naman ho ganun kalaki, I will grant on that pero yun parin po no? Kung bawa’t isa dyan may pinatay na hindi ho dapat pinatay eh di 3 to 9,000 deaths parin yun. So mahalaga talaga na malinis po yung rangko ng ating kapulisan.. Meron namang admission in different venues na libo libo po ito at palagay ko ngayon na wala na sa kanila itong gyera kontra droga nasa PDEA na, ito ho dapat yung seryosohin po nila.
(SAPOL INTERVIEW)