Bukas si Senador Bam Aquino sa plano ng Department of Justice na muling imbestigahan ang PDAF Scam kung saan kinukunsidera pang gawing state witness si Janet Lim Napoles.
Sa kabila nito, umaasa si Aquino na hindi ito gagamitin upang gipitin ang mga hindi kaalyado ng Administrasyong Duterte.
Giit ng Senador, hindi na bago na gamitin ng gobyerno ang isang upang tumestigo sa kalaban nila kapalit ng paggaan ng parusa.
Tulad aniya ng nangyari kay Senador Leila de Lima gayundin ang pagbasura sa parusang Reclusion Perpetua sa serious illegal detention sa kaso ni Napoles at pagkonsidera pang gawin itong state witness.
Samantala, suportado din ni Aquino ang balak ni Senador Francis Escudero na paimbestigahan muli sa Senado ang PDAF Scam bast’t tiyakin lang aniya na ito ay magiging genuine investigation.
By: Meann Tanbio / Cely Bueno