Magpapatawag ng imbestigasyon si Committee on Education Chairman Senator Bam Aquino sa naganap na bus accident sa tanay na ikinasawi ng 13 estudyante at dalawang iba pa.
Ayon kay Aquino, dapat na malaman kung ano ang mga dapat baguhin o ayusin sa mga patakaran ng pagsasagawa ng educational tours o field trips ng mga mag-aaral.
Sinabi rin ni Aquino na nais niyang malaman kung kusang loob o sapilitan and field trip ng mga estudyante.
Kaugnay nito, suportado ni Aquino ang isasagawang imbestigasyon ng Commission on Higher Education at LTFRB kaugnay ng naturang aksidente.
Pakingan : Bahagi ng panayam kay Sen. Bam Aquino
By: Avee Devierte / Cely Bueno