Inalmahan ni Sen. Bam Aquino ang mga akusasyon na mayroong pina–plano ang Liberal Party na patalsikin ang Pangulong Rodrigo Duterte sa puwesto.
Ayon kay Aquino, nakaka offend na ang naturang mga pahayag lalo na at wala naman itong katotohanan.
Binigyang diin din ni Aquino na hindi dapat nilalagyan ng kulay ang pagtutol ng mga tao sa iba’t ibang isyu dahil mahalaga ito, sa isang demokratikong bansa.
Bahagi ng panayam kay Sen. Bam Aquino
By Katrina Valle