Duda si Senador Ronald Dela Rosa sa totoong paninindigan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., kaugnay sa imbestigasyon ng International Criminal Court sa drug war campaign ng administrasyong Duterte.
Ito’y matapos ang pahayag n Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na handa silang makipag-ugnayan sa international tribunal, sa kabila ng paulit-ulit na pagharang dito ni Pangulong Marcos.
Ayon kay Senador Dela Rosa, kahit sino ay magda-dalawang isip sa sinasabi ng pangulo, dahil taliwas ang kanyang mga pahayag sa salaysay ng kanyang mga gabinete.
Palaisipan din sa Senador kung sino talaga ang lider ng bansa dahil ‘tila wala aniyang sumusunod sa sinabi ng pangulo na hindi na nito kinikilala ang hurisdiksyon ng ICC. – Sa panulat ni Laica Cuevas