Iginiit ni Senador Ronald Bato Dela Rosa na hindi sila sasali sa anumang posibleng pagbubukas muli ng imbestigasyon ng International Criminal Court (ICC) sa drug war ng administrasyong Duterte.
Sa halip sinabi ni Dela Rosa na bukas siyang humarap sa mga korte sa bansa hinggil sa nasabing usapin.
Binigyang-diin muli ni Dela Rosa na isang insulto sa justice system at malinaw na pakikialam sa soberanya ng bansa kung papayagan ang ICC na pumasok sa bansa at imbestigahan ang anti-illegal drug campaign ng nakalipas na administrasyon.
Hindi aniya siya kailanman papasailalim sa hurisdiksyon ng ICC na hindi naman alam ang problema ng bansa at ginagawa ng gobyerno para solusyunan ang mga problema.