Nanindigan si Senador Ronald “Bato” Dela Rosa na hindi siya susuko sa International Criminal Court, sakali mang maglabas ito ng arrest warrant laban sa kanya.
Sa panayam ng DWIZ, iginiit ni Senador Dela Rosa na wala nang hurisdisyon ang ICC sa bansa.
Gayunman, nilinaw ng mambabatas na sakali mang magmula sa anumang korte sa loob ng bansa ang warrant ay tatalima ito.
Tiniyak din ni Senador Dela Rosa na sakali mang maglabas ng arrest warrant ang ICC ay hindi ito magtatago sa ibang bansa. —sa panulat ni John Riz Calata