Hindi na magkakaroon ng Duterte 2.0
Ito ang inihayag ni PDP Laban Standard Bearer Sen. Ronald Bato Dela Rosa sakaling manalo aniya siya sa pagka Pangulo sa 2022 National Elections.
Ayon kay Dela Rosa, bagama’t kinikilala niya ang pagkakapili sa kaniya ng partido para maipagpatuloy ang mga programang sinimulan ni Pangulong Rodrigo Duterte, asahan aniya ang ilang pagkakaiba o pagbabago.
Tiniyak ng Senador na maipagpapatuloy ang mga magagandang programa ng kasalukuyang administrasyon ngunit aminado umano siyang hindi niya eksaktong magagaya o makokopya si Pangulong Duterte.
Samantala, nangako naman si Dela Rosa na po-protektahan ang sarili at si Pangulong Duterte mula sa imbestigasyon ng International Criminal Court (ICC) sakaling manalo sa halalan.
Magugunitang, kapwa nabanggit si Dela Rosa at ang Pangulo sa imbestigasyon ng ICC sa war on drugs ng administrasyon.