Kinumpirma ni Senador Ronald Dela Rosa na kanselado na ang kanyang U.S. Visa.
Ayon kay Dela Rosa, batay sa naging sagot ng U.S. Embassy sa kanyang official query, kailangan nyang mag aplay uli kung nais nitong magkaruon ng U.S. Visa.
Sinabi ni Dela Rosa na itinanong nya sa U.S. Embassy ang estado ng kanyang U.S. Visa matapos kumalat ang ulat na isa sya sa bawal nang umapak sa Estados Unidos dahil sa naging papel nya sa madugong giyera ng administrasyon kontra illegal drugs.
Sakali anyang magpasya ang Pangulong Rodrigo Duterte na dumalo sa ASEAN-US Summit sa Las Vegas sa Marso, handa syang samahan ito kung ibabalik ng Amerika ang kanyang visa.—ulat mula kay Cely Bueno (Patrol 19).