Naninidigan si Senador Ronald Dela Rosa na hindi siya dadalo sa nakatakdang pagpirma ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa panukalang 2025 national budget ngayong araw, Disyembre a-30.
Ayon kay Senador Dela Rosa, kahit pa imbitahan siya ay hindi siya dadalo dahil may mga probisyon sa panukala na hindi niya sinasang-ayunan.
Sa kabila nito, umaasa ang Senador na mangingibabaw ang kapanan ng mga Pilipino bago pirmahan ng Pangulo ang pambansang budget para sa susunod na taon.
Isa ang Senador sa mga kumwestyon sa aniya’y pagbibigay prayoridad sa ayuda programs tulad ng AKAP o Ayuda para sa Kapos ang Kita Program at AICS o Assistance to Individuals in Crisis Situations, habang nauwi naman sa zero subsidy ang Philippine Health Insurance Corporation. – Sa panulat ni Laica Cuevas