Pinalagan ni Senador Ronald “Bato” Dela Rosa si Presidential Communications Office Undersecretary Claire Castro, matapos punahin ang pahayag ng mambabatas na plano nitong magtago sakali mang maglabas ng arrest warrant ang International Criminal Court.
Sa panayam ng DWIZ, tinanong ng mambabatas si Usec. Castro kung magpapaaresto rin ba ito sa kabila ng nakikita nitong kawalan ng katarungan?
Banat pa ni Senador Dela Rosa, hindi nakabubuti sa bansa ang pagkakaaresto ni dating Pangulong Rodrigo Duterte, kundi pabor lamang ito sa kasalukuyang administrasyon.—sa panulat ni John Riz Calata