Nanawagan si Sen. Bong Go sa Department of Justice o DOJ na ayusin ang mga kulungan sa bansa pati ang pagtrato sa lahat ng mga bilanggo.
Ayon kay Go, dapat lang na mabigyan ng pantay pantay na pagtrato ang mga persons deprived of liberty at dapat mawala na ang palakasan sa loob ng kulungan.
Dagdag pa ng senador, mahalaga din na maimbestigahan at maisiwalat nang husto ang modus na Good Conduct Time Allowance o ‘GCTA for sale’.
Suportado din ng dating special assistant to the president ang utos ni Pangulong Duterte na arestuhin ang lahat ng mga napalaya sa bisa ng GCTA.