Walang balak si Senador Bongbong Marcos na maging running mate ni Vice President Jejomar Binay sa 2016 elections.
Ayon kay Senadora Cynthia Villar, sa kanyang pagkaka-alam ay iaanunsyo na ngayong linggo ni Marcos ang kanyang intensyon pagtakbo sa pagkabise presidente.
Samantala, batid ni Villar na marami sa kanila sa Nacionalista Party ang matatapang, malalakas ang loob at matitigas ang ulo dahil sa tatlo aniya ang desisdidong tumakbo sa pagka bise presidente.
Kabilang dito sina Marcos, Senador Antonio Trillanes at ang kadedeklara lang na si Senador Alan Peter Cayetano.
Gayunman, tiniyak ng senadora na lahat ng mga ito ay susuportahan at bibigyang ayuda ng partido upang maiwasan aniya ang isyu ng favoritism.
By: Ralph Obina | Cely Ortega-Bueno (Patrol 19)