Binatikos ni Senador Alan Peter Cayetano si Senador Leila De Lima dahil sa umano’y malisyosong akusasyon nito kay Special Assistant to the President Christopher “bong” Go.
Ito’y makaraang ihayag ng Senadora na may impormasyon na si Bong Go ang tumawag kay PNP Chief Director General Ronald Dela Rosa para i-reinstate si Supt. Marvin Marcos bilang pinuno ng PNP CIDG Region 8.
Ayon kay Cayetano, mukhang taktika o estratehiya ito ni De Lima para mailihis ang atensyon sa mga kaso at kontrobersyang kinakaharap nito.
Mas makabubuti aniya kung haharapin na lang ni De Lima ang mga alegasyong sangkot ito sa illegal drug trade sa Bilibid.
Iginiit pa ni Cayetano na propesyunal na tao si Bong Go kaya’t hindi dapat idawit sa kontrobersya na wala namang malinaw na basehan.
Kumbinsido ang Senador na ang panibagong intriga na ito ay bahagi ng plano ng mga kaalyado ni De Lima para mapatalsik sa puwesto ang Pangulong Rodrigo Duterte.
By: Meann Tanbio / Cely Bueno