Sumuko na si Senador Allan Peter Cayetano sa ambisyon nitong maging Senate President sa pagpasok ng ika-17 Kongreso
Ito’y ayon kay Senador Tito Sotto matapos ang naging pag-uusap nila Cayetano at Pimentel nuong isang gabi na kaniyang sinaksihan
Sinabi ni Sotto, nagkasundo ang 2 kapwa niya Senador na magtulungan na lamang at magkaisa sa pagsuporta sa mga adhikain ni Pangulong Rodrigo Duterte
Samantala, sumanib na rin sa tinaguriang Super Majority sina Senador Richard Gordon, JV Ejercito at Juan Miguel Zubiri na pawang mga kaalyado ni Cayetano at humiling na bigyan sila ng maayos na Committee Chairmanship
By: Jaymark Dagala