Nakatakdang sumalang si Senador Alan Peter Cayetano ngayong araw sa makapangyarihang Commission on Appointments matapos siyang italaga ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang DFA Secretary.
Sinabi nina Senate President Aquilino “koko” Pimentel, Senate Majority Floorleader Tito Sotto at CA Committee on Foreign Affairs Chairman Panfilo Lacson na otomatiko nang resign sa pagiging Senador si Cayetano kapag nakumpirma na ito sa CA.
Bagamat ito na ang posibeng huling araw ng pagdalo ni Cayetano bilang Senador, pero wala pa siyang plano na mag-valedictory speech dahil hindi pa naman daw siya nakukumpirma.
Kaugnay dito, kumpiyansa si Senador Alan Peter Cayetano na hindi siya matutulad kay dating DFA Secretary Perfecto Yasay na na-reject sa Commission on Appointments dahil sa isyu ng pagiging American Citizen.
Iginiit ni Cayetano na siya ay 101 percent Filipino Citizen.
Mamayang alas-9:00ng umaga naka-iskedyul ang kumpirmasyon ni Cayetano sa Committee on Foreign Affairs ng CA na susundan ng official confirmation nito sa plenary session ng CA.
By: Meann Tanbio / Cely Bueno