Pormal nang inanunsyo ni Senador Chiz Escudero ang kanyang pagtakbo bilang bise presidente sa 2016 elections.
Ito’y kung saan siya ang magiging running mate ni Senadora Grace Poe na nagdeklara na rin ng intensyong tumakbo bilang pangulo kahapon.
Ayon kay Escudero, kanyang tinatanggap ng may buong tapang at pagpapakumbaba na maging katuwang ni Poe sa mga landas na tatahakin nito sa araw.
“Ako po si Chiz Escudero isang tunay na Filipino, anak, asawa, ama, Bikolanong lingkod bayan at buong pagpapakumbaba sa tulong po ng mahal na Diyos at ni Ina, na inaalay ko ang aking sarili sa mas mataas na paninilbihan bilang inyong ikalawang pangulo, bilang ikalawang pangulo ng ating bansa.”
Ipinahayag ni Escudero na buo ang tiwala nito sa kakayahan at mga katangian ni Poe upang maging sunod na pangulo ng bansa.
“Sa pamamagitan ng pagsasaayos ng bawat pagpapasya sa pamahalaan gamit ang simpleng prinsipyo. Discretion always equals corruption. Minimize discretion, you will minimize corruption and eliminate it and you will be able to eliminate corruption. ”
Una rito, mismong si Poe ang nagpakilala kay Escudero bilang kanyang running mate para sa 2016 elections.
“Pagdating sa bayan, ang ating dapat gawin na batayan na makakasama ay isang tao na mapagkakatiwalaan natin, isang taong may kakayahan at isang taong may nagawa na para sa bayan,” paliwanag ni Poe.
By: Ralph Obina | Cely Ortega-Bueno (Patrol 19)