Pinasalamatan ni Senador Cynthia Villar ang Manila International Airport Authority.
Ito’y makaraang magpasya ang miaa na baguhin ang patakaran ng dating administrasyon kung saan sinisingil ng 500 Pesos airport terminal fee ang Overseas Filipino Workers, bagamat may unanimous resolution ang Senado na nagsasabing labag ito sa batas.
Ayon kay MIAA General Manager Ed Monreal, babaguhin nila ang collection system upang hindi maapektuhan ang exemptions ng OFW sa ilalim ng Migrant Workers Act of 1995.
Matatandaang pinangunahan ni Villar ang mga pagdinig sa Senado sa isyu ng terminal fees na kinokolekta sa mga OFW kung saan kinastigo nito si dating MIAA General Manager Angel Honrado.
Kaugnay nito, irerekomenda ng Senadora sa MIAA na maglagay ng online verification system sa poea at Bureau of Immigration para mas madali sa mga OFW na nakaalis na ng Pilipinas na mag-request ng refund ng kanilang terminal fee.
By: Meann Tanbio