Pinapanagot ng Senado sina Senadora Leila De Lima at Senador Antonio Trillanes dahil sa anito’y unparliamentary conduct.
Partikular na binanggit ng mga komite ng Justice and Human Rights at Public Order and Dangerous Drugs ang naging asal nina De Lima at Trillanes noong October 3 sa isang sesyon ng Senate investigation on extrajudicial killings.
Matatandaang nag-walk out si De Lima matapos nilang magkasagutan ni Senate Committee on Justice and Human Rights Chair Dick Gordon.
Unang inakusahan ni Gordon si De Lima ng material concealment dahil sa aniya’y hindi nito pagbibigay-alam hinggil sa kidnapping case ni self-confessed Davao Death Squad member Edgar Matobato.
Samantala, sa naturang pagdinig din pinayagan ni Trillanes na umalis si Matobato nang walang paalam.
By: Avee Devierte